Aklan News
Barangay Tanod sa Batan, nakuhaan ng baril


Arestado ang isang barangay tanod matapos na makuhaan ng baril sa Brgy. Angas, Batan kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang akusadong si Reynante Abayon, 38 anyos na residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, nagkaroon umano ng kaguluhan sa labas ng sayawan sa lugar.
Bilang tanod, isa si Abayon sa mga nag-awat sa gulo pero nakita ng mga pulis ang hawak nitong baril na 38 revolver.
Kinumpiska ito ng pulis at dinala si Abayon sa presinto para sa kaukulang disposisyon.
Mahaharap ang barangay tanod sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Fire Arms.
Continue Reading