Connect with us

Aklan News

MAYOR NG MAMBUSAO, CAPIZ SINAMPAHAN NG KASO DAHIL SA ILIGAL NA QUARRY OPERATION

Published

on

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang alkalde ng Mambusao, Capiz matapos masangkot sa iligal na quarry operation sa Brgy. Manhoy, Dao, Capiz.

Sinampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 7942 o Theft of Mineral, paglabag sa Ordinance no. 011 series of 2017 o Revised Revenue Code of the Province of Capiz.

Sinampahan rin ang alkalde ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1829 o Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders.

Ang kaso sa pamamagitan ng regular filing ay inihain ng Capiz Environment and Natural Resources Office (CAPENRO) sa National Prosecution Service sa Roxas City.

Matatandaan na una nang inaresto ng Task Force Kabalaka 6K at ng CAPENRO ang operator ng backhoe at ang driver ng truck matapos mahuli na iligal umanong nangunguha ng mga mineral sa nabanggit na lugar.

Sa interview ng Radyo Todo martes ng umaga kay CAPENRO Head Atty. Emilyn Depon, naging basahin ng kanilang tanggapan sa pagsasampa ng kaso ang mga pahayag sa media ng alkalde.

Inamin umano ni Labao sa kanyang mga media interview na kanya ang mga heavy equipment at wala silang kaukulang permit pero pinagdiinan na iligal ang pagdakip ng Task Force at ng CAPENRO sa kanyang mga tauhan.

Itinanggi naman ni Depon ang sabi-sabi na may halong pamulitika sa pagsasampa nila ng kaso laban sa alkalde.