Aklan News
Aklan PPO wala pang listahan ng mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE
WALA pang hawak na listahan ang Aklan Police Provincial Office (APPO) ng mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30.
Ayon kay PSSgt. Jane Vega, Public Information Officer ng Aklan PPO, sa ngayon ay wala pa silang pinal na listahan dahil hindi pa tapos ang filling ng Certificate of Candidacy (COCs).
Paliwanag ni Vega, ito ang magiging basehan ng PNP sa gagawin nilang re-assignment ng mga naturang pulis bago mag-eleksyon.
Aniya pa, ang re-assignment ng mga kapulisan tuwing may halalan ay bahagi na ng Standard Operating Procedure (SOP) ng PNP.
“SOP ron. Part it aton nga operating procedure every now and then nga may una nga ginahimo nga pagpieili-an, mapa-national, mapa-local election man hay may una gid nga makarunduyon nga gina-sundan ro aton nga Philippine National Police,” pahayag ni PSSgt. Vega.
Sa pamamagitan ng naturang hakbang, masisiguro na hindi masasangkot sa “partisan politics” ang mga tauhan ng PNP.
Ang filing ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo sa BSKE ay nagsimula nitong Agosto 28 at matatapos naman sa Setyembre 2.