Aklan News
Gobyerno probinsyal at human resource development service sa Korea, pumirma ng MOA para sa EPS-TOPIK Exam Center sa probinsya
Pumirma ng Memorandum of Understanding ang gobyerno probinsyal at Human Resources Development (HRD) Service of Korea para sa pagtatayo ng Employment Permit System – Test on Proficiency in Korean (EPS-TOPIK) Exam Center sa probinsya ng Aklan.
Nagkasundo kahapon Agosto 31 sina Governor Jose Enrique Miraflores at Vice President for Foreign Workforce and Global Employment of HRD Korea na si Mr. Kim Sungjae kaugnay sa pagtayo ng Exam Center sa Aklan.
Binigyang pagkilala rin ang apat na Aklanon na nagpakita ng abilidad sa Welding Training Program at Korean Language kung saan, nakatanggap ang 1st Place ng Php10,000, Php5,000 para sa 2nd Place, at tig Php2,000 para sa 3rd at 4th Place.
Layon ng nasabing exam center na matulungan ang mga Aklanon na gustong makapagtrabaho sa Korea at para mas mapaigi rin ang kanilang kasanayan sa Korean language.