Connect with us

Aklan News

Legislative body ng Kalibo, tinawag na ‘palpak’ ni SB Rebaldo

Published

on

Tinawag na palpak ni Sangguniang Bayan member Raymar Rebaldo ang legislative body ng LGU Kalibo.

Ito ay matapos mali ang nailagay ng SB secretariat na kopya ng ordinansa ng konsehal sa kanilang agenda nitong Lunes sa kabila ng pagiging mabusisi ng commiitte on laws.

Ayon kay Rebaldo, nakaka-dismaya ang nangyari sa kanilang session sa sangguniang bayan.

Aniya pa, naghahangad ang Kalibo na maging isang syudad subalit palpak ang legislative body nito.

“Mismong capital town kita, nagahandum kita magsyudad hay hara nga ro atong legislation hay palpak, imagine? Dismayadong mayad ta ako. Ano ra, drama o kuro-kuro?” ani Rebaldo.

Pinasaringan pa ng konsehal si Vice Mayor Cynthia Dela Cruz matapos nitong sabihin na, “Imagine ro aton nga Vice Mayor doktora, hay halimbawa, ibutang ta abi sa sangka ospital may nag-opera hay namatay ta ro pasyente hambaeon ta gali nga saea ro doctor ngato nga nag-opera? Dokumento paeang ro atong gina-istoryahan ag gina-estudyuhan naton it mayad para sa aton nga mga kasimanwa.”

Giit ng dating alkalde ng Kalibo, mataaas ang kanyang respeto sa bawat isa subalit parang lumalabas na aniya ang katotohanan.

Hindi na umano maintindihan ni Rebaldo ang ginawaga sa kanya ng mga kasamahan niya sa konseho kung saan ang nais niya lamang ay magkaroon ng magandang plano para sa bayan ng Kalibo.

“Mataas pa mat-a kunta ro akon nga respeto sa kada isaea kamon ugaling nagatuhaw eot-a ro kamatuoran kara, ano gid-a ro andang ginahimo ngara sa akon nga mga ginaplano man. Ro akon nga plano hay para sa kamaeayran it mga pumueoyo,” pahayag nito.

Matatandaang may dalawang ordinansang isinusulong ang konsehal na hanggang sa ngayon ay hindi pa nailalagay sa agenda ng Sangguniang Bayan ng Kalibo.