Aklan News
Mga strategic areas sa bayan ng Makato, kinabitan ng CCTV units
Nasa 47 CCTV units ang ikinabit ng lokal na pamahalaan ng Makato sa kanilang mga strategic areas.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Mr. Ralph Maypa, Public Information Officer ng LGU Makato, malaking tulong ito para sa pagresponde, operasyon at imbestigasyon ng mga law enforcement unit.
Aniya pa, makakatulong din ito sa oras ng mga kalamidad at emerhenhiya sa kanilang bayan.
“Kung may una nga insidente o ano ro magkaeatabo hay makaresponde ukon makabulig sa imbestigasyon it aton nga mga law enforcement agencies ag siyempre sa panahon man it mga calamities hay mabahoe man nga bulig ro raya nga mga CCTV units,” ani Maypa.
Saad pa ni Maypa na may mandato na rin si Mayor Mon-mon Legaspi na magdagdag pa ng mga CCTV units na ilalagay naman sa mga interior streets sa bayan ng Makato.
Maliban sa mga strategic areas, kabilang rin sa kinabitan ng CCTV ang kanilang New Municipal Building at Old Municipal Building.
Napag-alaman na ang naturang proyekto ay mayroong dalawang phase ng implementasyon kung saan mayroon itong mahigit P1.3-million na budget.