Aklan News
10 units ng solar streetlights, itinayo ng LGU Kalibo sa bahagi ng Roxas Avenue
Sampung mga solar street lights ang itinayo ng lokal na pamahalaan sa bahagi ng Roxas Avenue sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Mark Sy, tagapagsalita ni Mayor Juris Sucro, napansin umano ng alkalde na madilim sa naturang bahagi ng highway kung kaya’t pinalagyan niya kaagad ito ng ilaw.
Ayon pa kay Sy, ang mga ikinabit na ilaw ay temporary lamang dahil mayroong standard na streetlights na ikakabit dito ang Department of Public Works and Highways.
Itinayo ito sa bahagi ng Roxas Avenue corner Mabini Street hanggang sa may Corner Laserna Street.
Napag-alaman na ang pondo na ginamit para sa temporary streetlights ay mula sa special funds ng Engineering Department ng LGU Kalibo.
Continue Reading