Connect with us

National News

Mapabuti ang agrikultura ng Pilipinas, hiling ni PBBM sa kanyang kaarawan

Published

on

PHOTO: Bongbong Marcos/Facebook

Sa ika-66 taon na kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, September 13,  hiling nitong mapaayos at mapabuti ang agrikultura ng Pilipinas.

“Maging ma­ayos na ang agrikultura. At malaman na natin kung ano ba talaga ang weather, wet season ba o dry season para naman matulungan natin ‘yung mga farmer natin. ‘Yun lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon”, pahayag ni Marcos.

Ito ay inanunsyo ng pangulo sa dinaluhang aktibidad sa Department of Agrarian Reform (DAR) nitong Martes sa panayam ng media.

Dahil sa pabago- bagong panahon, hiling niyang matukoy o malinawan kung kailan ang eksaktong panahon ng tag-araw at tag-ulan upang malaman kung ano ang angkop na programa para sa sektor ng agrikultura.

Hanggang ngayon ay ang Pangulo pa rin ang nangangasiwa sa Department of Agriculture at wala itong itinatalagang kalihim ng ahensiya dahil nais niyang personal na matutukan ang mga pagpapabago at pagpapalakas sa agriculture sector.