Connect with us

Aklan News

Lalaki, patay sa pananaksak ng mag-ama sa Buenasuerte, Nabas

Published

on

PATAY ang isang lalaki matapos umanong saksakin ng mag-amang suspek kaninang hatinggabi sa Brgy. Buenasuerte, Nabas.

Kinilala ang biktimang si Efren Salaber, 45 anyos habang ang mag-amang suspek naman ay sina Ruby Bunyo Sr., 45 anyos at Ruby Bunyo Jr., 19 anyos, lahat mga residente ng nasabing barangay.

Nagsuntukan umano ang biktima at ang mga suspek dahil sa dating alitan.

Tumakbo ang biktima papunta sa kanilang bahay pero hinabol ito ng mga suspek at pinagtulungan hanggang sa masaksak sa may kaliwang dibdib at braso na kanyang ikinasawi.

Naaresto naman ng mga pulis ang dalawang suspek at dinala sa Nabas PNP station.

Narekober mula sa kanila ang ginamit na bolo na may habang 33 pulgada na ginamit sa pananaksak.

Samantala, isinuko ni Ruby Sr ang isang 38 revolver na nakuha umano nia mula sa biktima./MAS