Connect with us

National News

IRR ng Universal Health Care Law, nilagdaan na ni Duque

Published

on

Universal Health
Sa ilalim ng naturang batas, awtomatikong irerehistro ang lahat ng mga Pilipino sa National Health Insurance Program bilang mga direct contributors o indirect contributors.

Nilagdaan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Health Care Law (UHC). 

Sinabi ni Duque sa Kapihan sa Manila Bay News Forum na ang IRR ang magiging gabay at batayan ng Department of Health (DOH) sa pagpapatupad ng UHC Law.    

Sa ilalim ng naturang batas, awtomatikong irerehistro ang lahat ng mga Pilipino sa National Health Insurance Program bilang mga direct contributors o mga miyembro na may kakayahang magbayad ng premium, at indirect contributors o miyembro na ang contribution ay ini-isponsoran ng gobyerno tulad ng indigents o senior citizens.

Sinabi ni Duque na ang UCH Law ay naglalayong pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino sa lahat ng oras at hindi lamang kung sila ay maysakit.

The health system must actively improve the health literacy, the built environment, and the social determinants of health of every Filipino — it should be a system that seeks and cares for Juan and Juana every day, throughout their lives, not just when they are sick,” pahayag ni Duque. 

Matatandaan na sinabi ni Duque sa isang House committee noong Agosto na hindi pa maipapatupad ng DOH ang batas sa buong Pilipinas sa susunod na taon dahil sa “budgetary constraints” at “readiness”.  Gayunpaman, sinabi niya na magiging unti-unti ang magiging rollout.

Nilagdaan ni Pangulong Rodgrigo Duterte ang UHC Law o ang Republic Act No. 11223 noong Pebrero.


BASAHIN: IWAS-DENGUE TIPS mula sa PHO Aklan