Connect with us

Aklan News

PLT. Alamin, itinanggi ang reklamo vs impounded vehicle ng HPG

Published

on

MARIING itinaggi ni PLt. Reynaldo Alamin, hepe ng Highway Patrol Group (HPG) Aklan ang reklamo laban sa kanya tungkol sa umano’y sasakyan na ayaw niyang i-release dahil hindi pa nababayaran ng may-ari sa Toyota.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Alamin, sinabi nito na labas na sila sa usapin tungkol sa naturang bagay.

Kasunod ito ng reklamo ni Mr. Harry Melgarejo na ayaw umanong i-release sa kanila ni Alamin ang na-impound na sasakyan sa kabila na na-isettle na nila sa LTO ang kanilang naging bayolasyon.

Ani Alamin, ang hinihingi nila mula kay Melgarejo ay ang orihinal na Certificate of Registration (CR) bilang katunayan na naka-lease pa rin sa kanila ang sasakyan.

“Hindi po ganun. Wala po kaming ano sa utang nila sa Toyota. Ang hinihingi po namin sa kanila, yung original CR po at saka po yung certificate na galing sa Toyota na katunayan na naka-lease pa rin po sa kanila ang sasakyan,” pahayag ni Alamin.

Giit pa ng hepe, iba ang sinusunod na patakaran ng HPG at ang patakaran ng LTO.

Binigyan-diin naman ng opisyal na ang naging bayolasyon ni Melgarejo ay wala itong dalang CR ng kanyang sasakyan.

Paliwanag pa nito, para mai-release nila ang sasakyan, kailangan mayroong proof of ownership na ipresenta si Melgarejo.

“Ang naging violation niya lang ay wala po silang dalang CR that time. Ngayon po, para mai-release yung sasakyan, yung proof of ownership po na katunayan po na ang sasakyan ay naka-lease pa rin po sa kanila. Certification po na talagang naka-lease pa rin po sa kanila ang sasakyan,” ani Alamin.