Connect with us

National News

DSWD, umaasang aaprubahan ng kongreso ang dagdag na pondo para sa 4Ps

Published

on

UMAASA si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na aaprubahan ng Kongreso ang kanilang kahilingan na itaas ang pondo ng cash grants sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ang naging pahayag ni Gatchalian nitong Miyerkules habang tinatalakay ng House of Representatives at ng Senado ang panukalang pambansang badyet para sa taong 2024.

Aniya, buo ang suporta ng DSWD sa pagtaas ng cash grants matapos ilabas ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang kanilang ulat na nagpapakita na ang P31,200 maximum amount na natatanggap ng isang 4Ps household ay nabawasan at naging P14,524 na lamang dahil sa Covid-19 pandemic at high inflation.

Aniya pa, kung hindi aaprubahan ng Kongreso ang karagdagang pondo ay patuloy pa rin na maghahanap ng paraan ang mga benepisyaryo ng 4Ps upang masuportahan ang edukasyon ng kanilang mga anak.

“But siyempre dahil budget season ngayon we leave it to the Congress and the Senate to approve this measure. And ako naniniwala ako na maraming sumisimpatiya para sa ating 4Ps Program,” dagdag ni Gatchalian.

Samantala, sinabi rin nito na ang 4Ps ay isa lamang sa mga programa ng gobyerno na naglalayong maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon.