Aklan News
Senior citizen na may kasong rape, nahuli ng pulisya
Napasakamay na ng mga otoridad ang isang senior citizen na itinuturing na top 1 most wanted person sa bayan ng Batan.
Ito ay matapos na maaresto ng Batan PNP dakong alas-7:55 kagabi ang suspek na si Fernando Ortigas, 62 anyos na residente ng Brgy. Mandong, Batan.
Napag-alaman na si Ortigas ay may warrant of arrest sa kasong Statutory Rape by Sexual Assault sa ilalim ng RA 11648.
Nasa P200,000 ang piyansang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng Batan PNP ang akusado para sa karampatang disposisyon.
Continue Reading