Aklan News
Mahigit 20 kandidato sa BSKE sa Aklan, sisilbihan ng showcause order dahil sa premature campaigning
SISILBIHAN ng Commission on Election (COMELEC) ng showcause order ang nasa mahigit 20 kandidato na tatakbo sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan (BSKE) 2023 sa lalawigan ng Aklan.
Ito ay dahil sa kanilang paglabag sa tinatawag na premature campaigning o pangangampanya kahit wala pa ang campaign period na itinakda ng komisyon.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Atty. Roberto Salazar, Provincial Supervisor ng Comelec-Aklan, inihayag nito na nakatanggap sila ng memorandum mula sa Task Force Epal o Task Force Against Premature Campaigning na nag-aatas sa kanila na silbihan ng showcause order ang mga kandidato sa lalawigan na may posibleng paglabag sa ipinapatupad na patakaran sa BSKE
“Two days ago, we received a memorandum coming from the Task Force Epal or Task Force Against Premature Campaigning directing us to serve show cause order nga gin-issue sang head sang task force sa 21 nga nagakalain-lain nga kandidato for possible violation of section 80,” ani Atty.
Salazar. Ayon pa kay Salazar, may 21 kandidato mula sa bayan ng New Washington ang nakatakdang silbihan ng showcause order. Maliban dito, mayroong kandidato rin umano ang inireklamo ng kaparehong paglabag mula sa bayan ng Lezo at Nabas.
Saad pa ng opisyal, ang mga kandidatong sisilbihan ng naturang showcause order ay bibigyan ng tatlong araw upang magpaliwanag.
Samantala, sakali namang magkaroon ng sapat na ebidensiya ang Task Force na may paglabag ang mga kandidato, posible silang maharap sa kaso o maaaring ma-disqualified sa darating na halalan.