Connect with us

Aklan News

Lalaki tinaga-patay ng kanyang bayaw at pamangkin sa Balete, Aklan

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang bayaw at sariling pamangkin sa Sitio Maeobog, Balete, Aklan nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rex Quintong, sa legal na edad at residente ng nabanggit na lugar.

Nakilala naman ang mga suspek na sina alias Jan, pamangkin ng biktima at bayaw nitong si Alias Mart.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Balete PNP, nagsumbong sa kanilang himpilan si alias “Mart,” hinggil sa nangyaring krimen.

Pahayag ni alias “Mart,” habang nag-iinuman sila ni Jan sa kanilang bahay ay sumulpot umano ang biktimang si Dex na may dalang itak at kinompronta sila na nagresulta sa komosyon at pananaga.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na magkasabwat sina Alias Mart at Jan kung saan plinano nila ang krimen.

Ayon sa Balete PNP, habang natutulog ang biktima ay pinasok ito ng dalawang suspek at pinagtataga.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, nagtamo rin ng sugat ang isa sa mga suspek na si Jan dahil posibleng natamaan rin ito ng itak ni Mart.

Sa ngayon ay nasa kustosiya na ng Balete PNP si alias mart samantalang kasalukuyang ginagamot pa sa Aklan provincial hospital si Jan na kapwa sasampahan ng kasong murder.