Connect with us

Aklan News

Puno malapit sa paaralan sa Nalook, nagliyab

Published

on

KAAGAD nirespondehan ng BFP Kalibo ang nasusunog na isang puno malapit sa Gaudencio L. Vega National High School sa barangay Nalook, Kalibo nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay FO1 Jan Ryl Magno ng BFP Kalibo, batay sa kanilang pag-imbestiga sa lugar, may naglinis umano noong Biyernes at posibleng may nag-iwan ng siga sa ilalim ng puno na naging dahilan ng paglakas ng apoy.

“Pag-abot namon idto, ro nasusunog gali hay sangka Balete tree. Base abi sa mga hambae idto hay ku Biyernes may nagpanglimpyo idto, basi may mga haaywan nga suga sa idaeom ag nagmakot ag kahapon rayon ro kaeayo hay bumaskog eot-a,” pahayag ni FO1 Magno sa panayam ng Radyo Todo.

Dahil dito, nangamba ang mga residente na madamay ang naturang paaralan.

Saad naman ni FO1 Magno, kaagad naman nilang naapula ang apoy kung saan nagdeklara sila ng fire out bandang alas-9:05 na gabi.

Samantala, wala namang may naitalang nasugatan sa nangyaring insidente.