Connect with us

Aklan News

Menor de edad na nakamotorsiklo at may dalang baril, inaresto

Published

on

Arestado ang isang 15-anyos na menor de edad na nakamotor matapos mahulihan ng baril sa Crossing Buswang, Kalibo, Aklan kaninang 4:00 ng madaling araw.

Ayon sa isang concerned citizen na nagsumbong sa pulisya, nakita niya ang baril sa bewang  ng suspek nang itaas nito ang kanyang damit kaya agad nila itong nilapitan ng kanyang mga kasamahan at kinuha ang baril saka tumawag ng pulis.

Nakumpiska ng mga kapulisan ang 9mm pistol na baril, magazine at 4 na live ammunitions.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Kalibo Municipal Police Station ang menor de edad na posibleng maharap sa kasong paglabag sa COMELEC gun ban o illegal possession of firearm.