Aklan News
Ford Everest, nabangga ng tricycle
Nagasgasan ang bahagi ng isang Ford Everest matapos aksidenteng mabangga ng tricycle sa may Toting Reyes, Kalibo dakong alas-9 ng umaga nitong Huwebes.
Kinilala ang may-ari ng Ford Everest na si Benito Pino, 50-anyos na residente ng Brgy. Caano Kalibo at ang tricycle driver na si Gerardo Buque, 47-anyos na taga San Nicolas, New Buswang, Kalibo.
Base sa imbestigasyon, patungo sana ang nasabing sasakyan sa Kalibo Public Market nang aksidente itong nabangga ng tricycle.
Nagkasundo naman ang mga driver ng parehong mga sasakyan matapos silang magkausap.
Nabatid na handa namang magbayad ang tricycle driver para sa pagpapaayos ng nagasgasang sasakyan.
Continue Reading