Connect with us

Aklan News

Aklanon OFW sa Israel, hiling na matapos na ang naranasang giyera

Published

on

Photo: Israel Filipino Station

“Hope and praying na matapos na po ‘yong giyera at makabalik na kami sa dati.’

Ito ang tanging hiling ng isang Aklanon OFW na nakabase ngayon sa bansang Israel matapos silang lusubin ng Hamas.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Kirsten Haresco, ikinuwento nito na nasa ligtas na siyang kalagayan. Nakalikas umano siya sa lugar ng Sderot, ang lugar kung saan pumasok ang mga terorista.

Kasama ni Kirsten ang dalawa nitong mga alaga at kasalukuyang nanunuluyan sa isang hotel.

“Nakalikas na po ako sa lugar ng Sderot kung saan iyan po ang lugar na pinasukan ng mga terorista, malapit sa Gaza. Kasama ko po ‘yong dalawang alaga ko at kasalukayang nagsi-stay kami sa hotel,” kwento ni Haresco.

Aniya pa, nakakarinig pa rin sila ng mga putok at pagsabog mula sa ibang bahagi ng Israel ngunit hindi kasing lala ng nangyayari sa Sderot, Asquelon.

“May ibang part pa rin sa Israel na maririnig ‘yong putok pero hindi ganon ka grabe sa lugar ng Sderot, Asquelon na halos hindi ka talaga makakatulog. Kahit sabihin pa na nagtatago kami sa shelter,” pagtutuloy nito.

Saad pa ni Kirsten, day-off niya sa kanyang trabaho ng mabalitaan ang sorpresang pag-atake ng Hamas sa gitna ng selebrasyon ng Jewish holiday.

Nasa Sderot ang bahay ng employer ni Kirsten kung saan katabi lamang nito ang Gaza na sentro ng pag-atake.