Connect with us

Aklan News

13 ipinagbabawal na bombilya sa Kalibo Public Market, kinumpiska

Published

on

Photo: Bangs Melgar/Radyo Todo Aklan

KINUMPISKA ang 13 mga dilaw na bombilya na dinikitan ng mga makukulay na plastic sa ikinasang Operation Tanggal Ilaw ng Kalibo Public Market Enforcer nitong Martes.

Nakuha mula sa mga meat at fish vendor ang limang malalaki at walong maliliit na bombilya na dinikitan ng makukulay na plastic.

May iilan kasing mga vendor ang gumagamit ng dilaw na ilaw o naglalagay ng mga makukulay na plastic upang magmukhang sariwa ang mga ibinebenta nilang karne at isda.

Alinsunod sa batas, mahigpit na pinagbabawalan ang mga vendor na gumamit ng mga dilaw na ilaw upang mapeke ang kulay at istura ng kanilang mga paninda.