Aklan News
Motoristang nawalan ng kontrol sa manibela, sumemplang sugatan


Sugatan ang isang motorista matapos itong mawalan ng kontrol sa pagmamaneho kahapon dakang alas-2:43 ng madaling araw sa harap ng 7/11 sa Roxas Ave. Kalibo.
Kinilala ang motorista na si Daniel Zaballero, residente Andagaw, Kalibo, Aklan.
Base sa imbestigasyon, galing umano si Zaballero sa Mabini St. at pauwi na sana sa kanila pero ng makarating ito sa may Roxas Ave., bigla itong nawalan ng kontrol sa manibela dahilan ng kaniyang pagkatumba.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang motorista kaya agad itong dinala sa Aklan Provincial Hospital.
Samantala, wala namang ibang nadamay sa nasabing aksidente.
Continue Reading