Aklan News
Klinika sa Kalibo nilooban, laptop at pera tinangay ng kawatan


NILOOBAN ang isang klinika sa may Goding Ramos St. Kalibo kaninang umaga, Oktubre 18, 2023.
Base sa sekretarya ng nasabing klinika, naabutan niyang bukas na ang pinto ng clinic pagdating nito kaninang alas-7:40 ng umaga.
Bumungad sa kaniya ang mga nakakalat na papeles at kagamitan sa loob ng pinagtatrababuhan.
Natuklasang rin nitong sira na ang mga kandado sa pintuan ng tatlong kwarto sa ikalawang palapag at bukas na ang maliit na bintana na pinaniniwalaan nilang dinaanan ng magnanakaw.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nakuha ng kawatan ang laptop at mga pera na hindi pa natutukoy ang eksaktong halaga.
Samantala, patuloy parin ang pag-iimbestiga ng mga kapulisan sa nasabing insidente.
Continue Reading