Connect with us

Aklan News

Ford Ecosport sinalpok ng tricycle, likurang bahagi wasak

Published

on

WASAK ang likurang bahagi ng Ford Ecosport Wagon matapos itong mabundol ng tricycle dakong alas-6:12 kagabi, Oktubre 18, 2023 sa may Calachuchi Road, Andagaw, Kalibo.

Kinilala ang tricycle driver na si Raymond Padua, 39-anyos, residente ng Briones Pabahay, Kalibo, Aklan.

Habang nakilala naman ang 57-anyos na driver ng nasabing Ford na si Romeo Lorenzo, residente ng Caduulan, Banica, Roxas City, Capiz.

Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan, mula sa direksyon ng Jaime Cardinal Sin si Lorenzo nang aksidenteng masapul ng kasunod nitong tricycle habang binabaybay ang Calachuchi Road.

Dahil sa impact ng pagkabundol, wasak ang likurang bahagi ng nasabing sasakyan. Samantala, dinala naman agad ang mga sangkot sa Kalibo PNP para sa kaukulang disposisyon.