Aklan News
Construction worker, natuhog ng bakal sa puwet
AKSIDENTENG natuhog ng bakal sa puwet ang isang construction worker habang nagtatrabaho kahapon sa bayan ng Banga.
Batay sa ulat, nahulog sa scaffolding ang 30 anyos na biktima na taga Polocate, Banga.
Nangyari ang aksidente alas-7 ng umaga kahapon habang nakatayo ang biktima sa scaffolding.
Nahulog ito at bumagsak sa isang hollow block na may nakausling bakal na tumuhog sa kanyang puwet.
Dinala ang biktima sa ospital habang nakakabit pa ang nakatusok na bakal.
Kasalukuyan na itong nasa ospital at naghihintay na maoperahan.
Continue Reading