Capiz News
Lalaking nag-aantay ng sundo, pinagsusuntok


PINAULANAN NG SUNTOK ang isang lalaki habang nakatayo’t nag-aantay ng kanyang sundo sa tapat ng isang mall sa Arnaldo Blvd., Roxas City nitong Linggo.
Kinilala ang biktima na si alyas Reymond, 31, residente ng Brgy. Tiza, Roxas City.
Samantala, nakilala naman ang suspek na si alyas Joshua na residente naman ng barangay Lawaan ng nabanggit na siyudad.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City Police Station, bigla na lamang umano lumapit ang suspek sa biktima at pinagsusuntok.
Dahil dito ay nagtamo ang biktima ng pasa at sugat sa kanyang mukha.
Minabuti nitong iparecord ang nangyari sa kapulisan kung saan initurn-over naman ito ng Roxas City PNP sa barangay Baybay para sa karampatang disposisyon.