Connect with us

Aklan News

2 motorsiklo nagbanggaan, isa sa mga sangkot tumakas

Published

on

Tumakas ang isang hindi pa nakikilalang driver na sangkot sa aksidenteng banggaan ng dalawang motorsiklo kagabi, dakong alas- 8:43 sa may Pastrana St., Poblacion, Kalibo.

Kinilala naman ang isang motorista na si Kim Openiano, 26-anyos habang angkas ang kapatid nitong si Aiza Openiano, 22-anyos na parehong residente ng Brgy. Bulabod, Malinao, na ngayon ay pansamantalang naninirahan sa kanilang boarding house sa may C. Lasena St.,Kalibo.

Base sa imbestigasyon, habang binabaybay ng magkapatid ang kalsada sa may Pastrana Street at pauwi na sana sa kanilang boarding house nang aksidente silang nabangga ng isa pang motorsiklong papunta sa direksyon ng Roxas Avenue na pinaniniwalaang minamaneho ng lasing na driver.

Dahil dito, natumba ang motorsiklo ni Openiano habang ang isang motorista ay tumakas.

Minabuti nalang ng magkapatid na ipa-record ang nasabing aksidente sa Kalibo PNP.