Aklan News
Lalaking nakamotor sinaksak dahil sa ‘RIGHT OF WAY’, suspek mahaharap sa kasong frustrated murder


Mahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek sa pananaksak sa isang lalaki nitong Lunes, Nobyembre 6 sa may Purok 2, C. Laserna St., Pob. Kalibo.
Kinilala ang suspek na si Jodel Dela Cruz, 29-anyos at ang biktimang si Arthur Anacan Jr., 40-anyos residente ng nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nakikipag-inuman umano ang suspek nang dumaan si Anacan habang sakay ng kaniyang motorsiklo.
Nagkaroon umano ng diskusyon ang dalawa saka umalis ang biktima sakay ng motor pero hinabol siya ni Dela Cruz, sinipa ang motor at sinaksak ang biktima na tumama sa kamay at likod. Right of way ang sinasabing motibo sa pananaksak.
Napag-alaman kasi na nanghingi ang pamilya ng suspek ng kaunting daanan sa kanilang lupa dahil nasa gitnang bahagi ang kanilang bahay.
Pero hindi ito pinagbigyan ng pamilya ng biktima at di umano’y hinarangan pa nila ito. Nakakulong na ngayon ang suspek at mahhaarap sa kasong frustrated murder na isasampa ngayong araw.