Connect with us

Regional News

PRO6 nakapagtala ng P185K confiscated illegal drugs mula Hunyo hanggang Oktubre 2023

Published

on

Umabot na sa PhP185,932,833 ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga sa Western Visayas sa loob lamang ng limang buwan, mula Hunyo hanggang katapusan ng Oktubre.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng Police Regional Office 6.

Halos dumoble ito sa halaga ng nakumpiskang droga noong January 1- May 23, 2023 na PhP 88,030,809.

“We cannot win this fight alone, we need the support of other government agencies and the communities to topple the ‘supply and demand’ of illegal drugs in the region. Let us do our own share in our fight against illegal drugs. Makialam, maki- isa, makipagtulungan, para sa mas ligtas at magandang bukas ng ating mga anak,” saad ni RD PBGen. Sidney Villaflor.

Napag-alaman na bumili rin sila ng 15,000 drug test kits sa pamamagitan ng Philippine Anti-Drug Strategy (PADS) Fund para maabot ang 100% drug-tested organic personnel ng PNP sa rehiyon.

Sa mahigit 13,600 organic personnel na isinailalim sa drug test, tatlo umano ang nagpositibo at nasampahan na ng administrative charges ang mga ito.