Aklan News
Babaeng negosyante na-scam; P38K sa savings account natangay


Nakamkam ng scammer ang P38,000 na pera galing sa savings account ng isang babaeng negosyante.
Nakilala ang negosyanteng biktima na si Roberta Mateo,52-anyos residente ng Magdalena Village, Pob. Kalibo.
Napag-alaman na dakong alas-3:00 kaninang hapon ay may tumawag na isang lalaki sa kaniyang cellphone number at nagpakilalang agent ng Bank of Philippine Island (BPI), Paseo de Roxas Makati Branch kung saan sinabi nito kay Mateo na hindi natuloy ang pagbawas sa yearly maintenance ng kaniyang credit card.
Agad rin nitong ibinaba ang tawag dahil ire-refer umano ito sa kaniyang manager kung saan ay tumawag naman ito gamit ang iba namang cellphone number.
Ayon sa nagpanggap na manager ng nasabing bangko, magiging rewards umano ang perang na-waved sa account ni Mateo dahil nasa good condition ito na ikinatuwa naman ng negosyante dahil nasa mahigit P11,000 ito.
Dagdag pa ng biktima, pinabuksan umano sa kanya ang bank account nito sa BPI mobile app para ma-transfer na ang nasabing reward ngunit dahil sa luma na umano ang gamit na app ni Mateo ay may ipina-download umanong bagong app ang nagpanggap na manager na sinunod naman ng biktima.
Ngunit hindi rin agad nito nabuksan ang kaniyang account sa bagong app dahil nakalimutan na nito ang kaniyang password.
Dahil dito, nagpresenta ang nagpakilalang manager na tutulongan ang biktina na ma-reset ang kaniyang password basta ibigay lamang ang OTP.
Makailang ulit umanong hiningan at nag-send ng OTP ang biktima na siyang ikinabahala na nito.
Agad siyang nagtungo sa pinakamalapit na BPI branch sa Kalibo para isumbong at ipa-freeze ang kaniyang account.
Doon na nakita na dalawang beses na magkasunod ng may na-withdraw na tig-P19,000 mula sa kanyang bank account.
Kaugnay nito, minabuti ng biktima na ipa-record sa Kalibo PNP ang insidente na ire-refer naman sa OLEA para sa karampatang imbestigasyon.