Connect with us

National News

Mahigit 760,000 na mga benepisyaryo mananatili sa 4P’s – DSWD

Published

on

Higit sa 760,000 na mga beneficiaries ang mananatili sa listahan ng 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Umabot naman sa 1.1 milyong benepisyaryo ang na-assess na non-poor sa ilalim ng Listahan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction at nakatakdang mag-exit sa 4P’s.

Nitong Nobyembre 11, sinabi ni Sen. Francis Tolentino at Undersecretary Cesar Chavez na magkakaloob ang departamento ng iba pang mga programa at serbisyo para sa mga mage-exit o matatanggal na sa listahan ng 4Ps upang matulungan ang mga ito na mapabuti ang kanilang pamumuhay.

Samantala, nagbigay naman ng iba pang programa ang DSWD na pweding ma-avail ng mga magtatapos na 4P’s benepisyaryo katulad ng Sustainable Livelihood Program (SLP) and the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Iindorso naman ng DSWD ang mga matatanggal sa listahang 4ps beneficiaries sa kanilang mga kinauukulang Local Government Units (LGUs).