Connect with us

Aklan News

Lumang Kalibo-Numancia bridge posibleng buksan na sa Nobyembre 26 – DPWH

Published

on

Posibleng buksan na sa Nobyembre 26, 2023 ang lumang Kalibo-Numancia Bridge na pansamantalang isinara para sa rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Aklan District Engineer Gener Abergas sa Radyo Todo na posibleng mas maaga nilang buksan ang tulay para mabawasan ang trapiko sa daan.

Nagdulot kasi ng trapiko ang pansamantalang pagpapasara ng lumang tulay na isinara noong Nobyembre 7 at nakatakda sanang buksan sa Disyembre 5.

Pero ayon kay Abergas, hindi na nila hihintayin ang Disyembre bago muling buksan ang lumang tulay dahil tapos na rin ang kanilang ginagawang rehabilitasyon sa approach slab ng tulay.

Kung matatandaan, isinara na rin ang nasabing tulay noong Hulyo para ayusin matapos masira dulot ng matinding pag-ulan noong Oktubre 2022.