Connect with us

Aklan News

Wing van dumeretso sa palayan matapos bumangga sa Pajero

Published

on

Dumeretso sa palayan ang isang wing van matapos bumangga sa isang Pajero kaninang umaga sa Brgy. Dumga, Makato.

Galing sa direksyon ng Caticlan papuntang Kalibo ang wing van na minamaneho ni Niño Almendras, 34, residente ng Batangas nang aksidente nitong masalpok ang kasunod na Pajero na minamaneho naman ni Joselito Buenaventura, 57, taga Quezon City.

Ayon sa pahinante ng truck, galing sila sa Sta. Rosa, Laguna papuntang Cagayan De Oro, pero habang binabaybay nila ang national highway sa Makato partikular sa may diversion road ay hindi inaasahan ng driver ng wing van na liliko ang Pajero kaya ito bumangga.

Aniya pa, nakapag-signal light naman ang driver ng Pajero pero hindi na nakapag-preno ang driver ng wing van.

Nagkaharap ang dawalang driver sa Makato PNP at nagkasundo naman umano ang mga ito.