Connect with us

Regional News

13 bus units ng Vallacar Transit isinailalim sa 30 days suspension kasunod ng bus tragedy sa Antique

Published

on

ISINAILALIM ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 6 sa 30-days preventive suspension ang 13 unit ng Vallacar Transit Inc. kasunod ng nangyaring bus tragedy sa Barangay Igbucagay, Hamtic, Antique nitong Martes.

Epektibo ang nasabing suspension kahapon, Disyembre 6, 2023.

Ayon sa LTFRB Region VI, kapag may namamatay sa isang vehicular accident, kaagad nilang sinususpinde ang prangkisa kung saan bumabiyahe ang naturang mga sasakyan kasama ang natitira pa nitong mga units.

Maliban sa preventive suspension, naglabas rin ng show cause order ang ahensiya upang mabigyan ng pagkakataon ang Vallacar Transit na ipaliwanag ang kanilang panig.