Aklan News
‘Please take care of your mental health’ – paalala ng Aklan PHO ngayong holiday season
Nagpaalala ang Aklan Provincial Health Office sa publiko na pangalagaan ang kanilang mental health lalo na ngayong holiday season.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Aklan PHO – Health Education Promotion Officer Sheila Marie Matorre, binigyang diin nito ang kahalagahan ng mental health ng bawat isa bilang parte ng kanilang Ligtas Christmas Para sa Healthy Pilipinas/ Iwas Paputok Campaign.
Ito ay dahil may ibang mga tao pa aniya na hindi masaya sa holiday season gaya ng iba.
“Please take care of your mental health. During holiday season although some people may think of this as happy or merry making event, but for some hay para kanda hay masubo especially kung uwa sanda it panggastos,” saad niya.
Dagdag pa niya, “And also pwede man nga iconsider naton ro mga pamilya nga bukon eon nanda it kaibahan, ro anda nga mga myembro it pamilya hay nagtaliwan eon, o pwede man nga iconsider man naton ro aton nga mga igmanghod nga isaeahanon during this time of year. Pwede nga mga OFW anda nga ginikanan o pwede man nga isahanon eang sanda sa anda nga panimaeay.”
Bukod dito, dapat siguruhin rin aniya na balanse ang mga kinakain at sundin ang pinggang Pinoy o simpleng konsepto ng “balanseng diet, uminom ng maraming tubig, iwasan ang mga matatamis at nakalalasing na inumin.
Kadalasan umano kasi ay tumataas ang lab results ng mga tao pagkatapos ng holiday season.
Inirekomenda rin nito ang pagsuot ng facemask sa mga may sintomas ng COVID-19 lalo na sa mga buntis, mga bata, matatanda at may comorbidities. /MAS