Aklan News
Tatlong menor-de-edad naiwan ng kanilang lolo sa isang birthday party, huli sa curfew habang sakay ng topdown
Pansamantalang ikinustudiya ng mga kapulisan ang tatlong menor-de-edad matapos na makitang sakay ng topdown dakong ala-1:00 kaninang madaling-araw sa may bahagi ng Sitio Libtong, Brgy. Estancia, Kalibo.
Ang naturang mga menor-de-edad ay pawang mga kalalakihan na residente ng Brgy. Lilo-an, Malinao na kung saan isa sa kanila ang nagmaneho ng topdown.
Kwento nila, kasama nila ang kanilang lolo na pumunta sa birthday party ng kanilang kamag-anak sa Mobo, Kalibo pero nalasing ito at naiwan silang tatlo.
Salaysay pa nila, pauwi na sana sila pero naligaw sila at nakita ng mga pulis kaya dinala sila sa istasyon para doon na magpalipas ng gabi.
Samantala, mismong ang mga taga Kalibo PNP na rin ang naghatid sa naturang mga menor-de-edad sa kanilang bahay.