Connect with us

Aklan News

Mahigit 36K deboto at turista, nakisaya sa selebrasyon ng Sto. Niño Ati-atihan Festival 2024 sa Boracay

Published

on

NAKISAYA ang nasa 36,741 na mga deboto at turista sa bersyon ng  Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa isla ng Boracay.

Batay sa datos ng Malay Municipal Tourism Office, mula sa nasabing bilang, 10, 919 dito ang mga turista, 20,000 ang mga deboto, samantalang 5,841 ang mga participants mula sa iba’t-ibang tribal at commercial group na nakiisa sa beach dancing at tradisyunal na sadsad panaad.

Kaugnay nito, nakapagtala naman ng zero incidents sa naturang pagdiriwang.

Ito ay dahil na rin sa magandang security measures na inilatag ng lokal na pamahalaan at iba’t-ibang force groups sa isla.

Sa kabilang banda, nakapagtala naman ang Boracay Island ng 83,479 tourist arrivals sa unang dalawang linggo ng Enero 2024.

Mula sa naturang bilang, 61,768 ang domestic tourist; 2,464 ang mga Overseas Filipinos samantalang nasa 19,247 ang mga dayuhang turista.