Connect with us

Aklan News

Municipal treasurer ng Kalibo, sinuspinde ng isang buwan ng Ombudsman

Published

on

Sinuspende ng Ombudsman nang isang buwan si Mr. Rey Villaruel, ang Municipal Treasurer ng Local Government Unit (LGU) Kalibo.

Ang naturang suspension ay epektibo simula Enero 16 hanggang Pebrero 16 ng taong kasalukuyan.

Ito ay may kaugnayan sa isinampang reklamo ni Atty. Euridice Tupas-Cudiamat laban sa kanya.

Nag-ugat ang nasabing reklamo matapos na tumangging magbayad ang lokal na pamahalaan sa hinihinging consultancy fee ni Atty. Cudiamat.

atatandaan kasi, si Atty. Cudiamat ay nagsilbing Legal Consultant ng Office of the Sangguniang Bayan sa bisa na isang kontrata na pinirmahan ni Vice Mayor Cynthia Dela Cruz.

Ngunit ayon sa LGU Kalibo ang naturang kontrata ay hindi legal dahil ang punong ehikutibo lamang umano ang may karapatang lumagda sa isang kasunduan sa ngalan ng lokal na pamahalaan lalona kung ito ay tungkol sa pondo ng gobyerno.