Connect with us

Aklan News

Dahil naubusan ng kanin, stepson nagalit; nanay binato ng tasa sugatan

Published

on

Sugatan ang isang nanay nang dumating sa Kalibo PNP matapos itong batuhin ng tasa ng kaniyang stepson kagabi dahil lang sa naubusan ito ng kanin.
Kwento ng mismong anak ng biktima, pagkauwi umano niya galing trabaho ay nakita nalang nito na may sugat at tumutulo na ang dugo sa bahagi ng tenga ng kaniyang nanay dahil sa pananakit rito ng tinatayang nasa 30-taong gulang na anak ng kaniyang stepfather.
Sinasabing naubusan ng kanin ang akusado kaya nagalit ito at binato ng tasa ang biktima.
Depensa naman ng akusado ay narindi na umano siya sa pagbubunganga nito sa kaniya.
Napag-alaman na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang akusado nang mangyari ang insidente.
Samantala, nilapatan ng first aid ng MDRRMO Kalibo ang biktima ngunit napagdesisyonan na dalhin nalang ito sa ospital dahil posibleng kailangan pang tahiin ang sugat nito.
Pansamantala munang ikinostudiya ng Kalibo PNP ang akusado para sa karampatang disposisyon.