Aklan News
92.5% sa koleksiyon ng LTO, napupunta sa DPWH – LTO Aklan chief
INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Aklan Chief Engr. Marlon Velez na napupunta sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang malaking bahagi ng kanilang koleksyon.
Aniya, idini-deposito nila sa National Treasury ang lahat ng koleksiyon ng LTO kung saan 92.5 % dito ay napupunta sa DPWH at ang kaunting natitirang posiyento ay para sa operasyon at gastusin ng LTO.
Mula sa 92.5%, 80 porsiyento dito ang napupunta sa DPWH para sa repair at maintenance ng mga national road.
“Tanan nga collection namon hay gina-deposito namon sa National Treasury kag naga-adto sa DPWH. 80% of that nga collection namon goes to DPWH for the repair and maintenance of our road. So sangkiri lang ro nabilin sa amon sa LTO para sa amon nga operation ag expenses,” ani Velez.
Paglilinaw pa ng hepe na ito ay batay sa RA 8794 o Motor Vehicles User’s Charge.
“Sa aton nga RA 8794, or the Motor vehicles User’s Charge, tanan nga collection sa pagparehistro sa mga salakyan, 80% goes to the DPWH for the repair and maintenance of national roads, 7.5 percent goes to DPWH for the reapir of local roads. That is why ro aton nga mga LGU, kabanwahanan kung mag-repair sanda it andang provincial or municipal roads hay may budget ang DPWH. Ginakuha ina sa amon sa LTO and another 7.5 percent goes to the DPWh for the repair of bridges and installation of signages. Total hay 92.5 % sang amon nga collection sa LTO goes to DPWH,” paliwanag nito.
Napag-alaman na nasa P200K ang koleksiyon ng LTO Aklan kada araw kung saan aabot ito ng mahigit 2 milyong pesos kada buwan.