Connect with us

Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

Published

on

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng Bay-ang, Batan nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Mark Lee Cipriano, 43-anyos at residente ng Sitio Himbis, Barangay Lalab, Batan.

Ayon kay PCapt. Gelbert Batiles, hepe ng Batan PNP pinara umano nila sa checkpoint si Cipriano ngunit hindi ito tumigil.

Subalit hindi ito nakalusot sa isang checkpoint ng mga pulis kaya’t kaagad itong naharang.

Dahil sa naunang bayolasyon, isinailalim sa body search si Cipriano at nakuha sa kanyang posisyon ang isang lunch box kung saan nakalagay ang mga drug paraphernalia at isang residue ng suspected shabu.

Aminado naman ang suspek na ginamit na niya ang nasabing iligal na droga.

Napag-alaman na si Cipriano ay isang drug surrender at muling bumalik sa iligal na aktibidad.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito Batan PNP para sa karampatang disposisyon.