Connect with us

Aklan News

Dahil umano sa panghihipo sa GF, 18 anyos na binatilyo nasaksak ng 15 anyos na menor de edad

Published

on

SUGAT sa kaliwang tagiliran ang tinamo ng isang 18-anyos na binatilyo matapos na masaksak ng 15-anyos na menor de edad dahil umano sa panghihipo nito sa kanyang girlfriend.

Batay sa Kalibo PNP, parehong galing sa isang birthday party kagabi ang dalawang sangkot na binatilyo at pauwi na nang maganap ang komosyon sa may Oyotorong St. Pob. Kalibo.

Sa kuha ng CCTV, makikitang hinawakan ng biktima sa braso ang girlfriend ng 15-anyos na CICL (Children in Conflict with the Law).

Kasunod nito, biglang niyakap ng mahigpit ng biktima ang 15-anyos na CICL at sinuntok.

Doon na nagpalitan ng suntok ang dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang CICL at winasiwas.

Dahil dito, nasaksak niya ang 18 anyos na biktima at ang sariling pinsan na umawat lang sa kanila.

Pahayag ng menor de edad, nandilim na umano ang paningin nito kaya nagawa niya iyon.

Kasalukuyan na itong nakakostudiya sa Kalibo PNP pati na ang iba pa nitong mga kasamahan nang mangyari ang insidente, ini-refer din ang kaso sa WCPD section ng Kalibo PNP.