Connect with us

Aklan News

1 sa 9 na magbarkadang nagroadtrip sakay ng SUV, patay sa aksidente

Published

on

Binawian na ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isa sa 9 na mga sakay ng SUV na naaksidente kahapon, June 18 sa Lalab, Batan, Aklan.

Batay ito sa kompirmasyon ng ilan sa kaniyang kapamilya.

Kinilala ang namatay na si “Jimboy”, 20-anyos, residente ng Brgy. Andagao sa bayan ng Kalibo.

Kung matatandaan, pumutok ang gulong ng sinasakyang SUV ng 9 na mga binatilyo na papunta umano sa isang galaan.

Sinasabing, nagpagewang-gewang pa sa kalsada ang SUV bago ito tuluyang sumalpok sa kasalubong na wing van.

Sa lakas ng impak, may mga tumilapon pa sa kalsada na mga sakay na nagdahilan ng kanilang pagtamo ng iba’t-ibang sugat sa katawan kung saan ay naka confined parin hanggang ngayon sa ospital.

Samantala, hindi naman nakaalis sa passenger seat sa harapan si “Jimboy” dahilan upang maipit ito.

Malubhang pinsala sa katawan ang tinamo ni “Jimboy” at sinikap pa itong gamutin sa ospital ngunit kalauna’y binawian rin ng buhay.

Wasak at hindi na mapakinabangan ang SUV habang nagtamo rin ng sira sa may bahagi ng driving seat ang  wing van. | via Rhealyn Ortega