Connect with us

International News

Factory ng baterya sa South Korea, sumabog; 22 katao patay

Published

on

PATAY ang nasa 22 katao matapos na sumabog at nasunog ang pabrika ng lithium battery sa Hwaseong, South Korea.

Ayon sa ulat, biglang sumabog ang mga battery cell na nasa bodega kung saan mayroong humigit-kumulang 35,000 unit.

Karamihan sa mga nasawi ay mga manggagawang Chinese, isang Laotian at dalawang South Korean.

Samantala, nahirapan naman sa mga rescuer sa pagresponde sa sunog dahil sa lakas ng apoy.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.