Aklan News
El Kapitana Resto Bar, niransak ng hindi pa nakikilalang mga kawatan
NIRANSAK ng hindi pa nakikilalang kawatan o mga kawatan ang El Kapitana Resto bar sa M. Laserna St. Pob. Kalibo.
Bukas na nang maabutan nang mag-asawang Jodel at Kagawad Norly Rentillo ang naturang establisyemento kaninang umaga.
Ayon kay Kagawad Norly, nakitang nilang sira na ang kandado ng kanilang sari-sari store.
Sira at marami na umanong bawas ang kanilang freezer na puno ng ice cream.
Bukod dito, tinangay rin ng kawatan ang 18 bote ng inumin; 3 ream ng sigarilyo; 2 sabon; 2 tuna; corned beef at mga coins sa loob ng videoke machine.
Samantala, naiwan naman ng mga kawatan ang tools na kanilang ginamit na pangbukas sa kandado, isang t-shirt at cargo pants na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng kawatan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa nangyaring nakawan.