Connect with us

Aklan News

Senior citizen, wala nang buhay nang matagpuan sa tubig-baha sa Marte Road, New Buswang

Published

on

Patay na nang matagpuan ang isang senior citizen kaninang umaga sa Brgy. New Buswang, Kalibo.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 kaninang umaga nang makita ng ilang residente ang nakadapa na katawan nito sa isang kalsada na bahagyang binaha.

Agad silang tumawag sa mga otoridad para maimbestigahan ang insidente.

Dakong alas-6:30 naman ng umaga nang dumating ang asawa ng biktima na si Roselyn Irodistan at kinumpirma na ang naturang senior citizen ay si Ludovico Irodistan, 67-anyos na residente ng Ayos Lang, New Buswang.

Ayon kay Roselyn, nakainom umano ito kagabi at sa pag-aakala nila’y pumasok na sa kwarto para matulog kaya’t nagulat nalang ito nang malaman ang nangyari.

Samantala, may nakapagsabi rin na may nakakita umano rito dakong alas-10 kagabi na naglalakad rin ito malapit sa nasabing lugar habang lasing.

Sa ngayon ay patuloy pa ng imbestigasyon ng Kalibo Pnp at SOCO para makumpirma kung ano ang ikinamatay ng biktima.