Health
Terminong “wellness”, planong isama sa pangalan ng Department of Health
PINAG-AARALAN ngayon ang suhestiyon ni Health Secretary Ted Herbosa na isama ang terminong “wellness” sa pangalan ng Department of Health (DOH).
Sa isang panayam sinabi ni Herbosa na pinag-iisipan niyang gawing “Department of Health and Wellness” ang pangalan ng DOH upang bigyan-diin ang kamalayan sa health promotion.
Ayon naman kay DOH OIC Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo, ang panukala na palitan ang pangalan ng ahensya na “Department of Health and Wellness” ay isang mahusay na ideya ng kalihim.
“The proposal to rename the Department is a sound idea floated by the Secretary, anchored on a broad understanding of the ultimate goal of public health,” ani Domingo.
Tinukoy sa World Health Organization (WHO) charter ang kalusugan bilang isang estado ng ganap na kagalingan mapa-pisikal, mental, at panlipunan man at hindi lamang ang kawalan ng sakit o kapansanan.