International News
Finland, kauna-unahang bansa na magtuturok ng bird flu vaccine sa tao


Plano ng Finland na simulan na ang pag-alok ng avian flu vaccine sa mga tao sa susunod na linggo.
Mag-aalok ang Finland ng bakuna sa mga indibidwal na “at risk” sa impeksyon dahil sa kanilang trabaho ayon sa Reuters.
Natanggap ng bakuna ang marketing authorization nito sa European Union nitong Abril at nakakuha ang Finland ng vaccine doses para sa 10,000 katao.
Ang H5N1 strain ng avian flu ay nauugnay sa malalang sakit at pagkamatay ng mga tao, bagama’t walang kumpirmadong kaso ang naiulat sa Finland.
Ang H5N1 ay pumatay o humantong sa pag-culling ng milyong ibon sa buong mundo nitong mga nakaraang taon.
Layon ng Finland na magpatupad ng pagbabakuna dahil sa posibleng pagkalat nito sa mga fur farm.
Continue Reading