Connect with us

Aklan News

Motoristang senior citizen, bumangga sa kasalubong na tricycle sa Kalibo

Published

on

Sugatang dinala sa ospital ang isang motoristang senior citizen matapos itong bumangga sa kasalubong na tricycle sa may boundary Pook-Caano, Kalibo nitong Huwebes.

Napag-alaman na 76-anyos na residente ng Bulwang, Numancia ang motorista habang 59-anyos naman ang driver ng tricycle na residente naman ng New Washington.

Ayon sa report ng kapulisan, mula sa direskyon ng New Washington ang senior citizen at akma na sanang liliko sa Caano diversion ngunit aksidente itong bumangga sa kasalubong na tricycle.

Dahil dito, sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima na agad ding dinala sa ospital.

Samantala, dinala naman ang dalawang sangkot na sasakyan sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.