Connect with us

Aklan News

SLI, tiklo sa buy bust operation sa bayan ng Numancia

Published

on

TIKLO ang isang street level individual (SLI) sa isinagawang buy-bust operation ng Numancia PNP sa Camanci, Numancia nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Ronnie Boy Mendez, 31-anyos na residente ng Pusiw, Numancia.

Nabilhan ang suspek ng 1 sachet ng shabu kapalit ng P3,000 na buy bust money.

Samantala sa isinagawang body search, nakuha sa suspek ang 1 pang sachet ng shabu.

Narekober din ang wallet, cellphone, Id’s at P550 na personal na pera ni Mendez.

Tinatayang nasa P6,800 ang halaga ng narekober na shabu.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Numancia PNP ang suspek na si Mendez at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.