Connect with us

Aklan News

Dahil sa iniwang nakasaksak na ceiling fan, bahagi ng kwarto sa isang bahay sa Kalibo, nasunog

Published

on

File Photo: Katodo DK/Radyo Todo Aklan

Nasunog ang maliit na bahagi ng kwarto sa isang bahay sa Oyotorong st. Poblacion, Kalibo dahil umano sa naiwang nakasaksak na ceiling fan hapon nitong Biyernes.

Ang naturang bahay ay pagmamay-ari ni Marilyn Andrade.

Ayon sa Bfp Kalibo, walang tao umano sa nasabing bahay dahil nasa okasyon sa kapitbahay sina Andrade nang mapansin ng ilang residente na may umuusok na sa nasabing kwarto.

Agad nagtulong-tulong ang mga residente para sabuyan ng tubig at maapula ang apoy kaya’t maliit na bahagi lamang ang nasunog.

Samantala, nang ireport pa ito sa mga bombero ay pag-aakalang patuloy pa ang usok sa lugar ngunit bunga lang pala iyon ng nilulutong lechon.

Umabot naman sa P1,000 ang iniwang halaga ng danyos sa nangyaring insidente.